MGA TULA
 PARA SA INANG BAYANAT  KABABAYAN
             SINULAT NI :            DEO ANTONIO DELFIN LLAMAS



KALAYAAN NATIN
By: Deo Antonio D. Llamas

Itong kalayaan na
ating tinatamasa
ito’y binayaran na
ng dugo at ng buhay
ng mga bayaning una

Ito’y di maikukubli
laban nila may saysay
at ating generasyon
ang siyang umaani
dulot malayang Pilipinas

At sana di mag wakas
maging totoo at wagas
ating lahing Pilipino
Sa kapwa at sa Mundo
Taas noo kahit kanino

Di ibali wala lang
Itong kalayaan natin
Tayo naman ngayon ang
tinatawag ng panahon
Lalaban ka ba para sa bayan?

Tawag ng Panahon
by: Deo Antonio D. Llamas

Lalabas at lalabas bayaning
dakila sa ating puso'y liliyab
Una kina Lapu-lapu at Soliman
para sa bayan laban dayuhan

Sa kapanahonan ng Kastila
hangad pagbago at kalayaan
pinukaw ni Rizal at Bonifacio
damdaming bayaning Pilipino

Pagdating ng mga Amerikano
Edukasyon, indusriya, natamo
Sila Quezon, Roxas at Osmena
nagbigay laya independensya

Nung digmaan laban sa hapon
hindi tayo umurong tumipon
Lumaban nagka isa ang lakas
makita bayang malayang bukas

At dumating ang martial law
protesta sa kalsada ang sigaw
Mapag api't binging gobyerno
si Ninoy Aquino ang katapat nito

Buhay inalay para sa Pilipino
at people power kasunod nito
rebulosyong di lang nag bago
sa atin, sama pa buong mundo 

Pilipino may galing at talino
makadiyos at may prinsipyo 
makabayan totoong makatao
ngayon tayo'y tinatawag nito

Labanan katiwalian at abuso
baguhin ang systema isapuso
Kung lahat mag tulongtulong
tiyak pag angat at pag asenso


Bulag na Hustisya
By: Deo Antonio D. Llamas 

Bulag na hustisya o nag bubulag bulagan
Nasilaw sa pera o bayad sa utang 

Di maitanggi may huhukom din sa kanila
Compromise negotiation di dapat nang una

Walang duda may araw din sila 
Sana matakot sila para sa kanilang kaluluwa

Ano man ang mangyari
Diyos ang huhusga sa gawa ng tao o di ginawa 


Gat Jose Rizal Ama Ng Ating Bayan
By: Deo Antonio D. Llamas

Namulat ako sa isang pambihirang tao
Bata pa ako sya'y naging idolo ko

Marahil kaya'y siya'y may angking talino
O puso na marangal at di manloloko

Sa kanyang iniwang bakas tayo'y lumakas
Bayang Pilipinas may malayang bukas

Minulat ang bayan sa maling systema
Pinukaw hinangad  kalayaan ng bansa

Sa pag panaw nya'y lumiyab mga damdamin 
Inspirasyon sa rebulosyong bumago sa atin

Ang buhay nya ay isang obra maestra
Pagmamahal sa diyos, bayan at pamilya

Si Gat Jose Rizal di lang bayani ng bayan
Sya ang pambihirang ama ng ating bayan

Sa Pagbukas Nitong Entamblado
By: Deo Antonio D. Llamas
 
Sa pagbukas nitong entamblado
Ako’y nagagalak makilaho
Malathala ang puso at diwa
Ating pag aralan ang panig ng magsasambuwa

Dapat ba o hindi dapat?
Mag ibang bayan ba ay makabayan
O pang sariling interest lang ang namamalayan
Pilipinas ba’y sapat na o dapat tayo'y maging tapat

Sa sarili, sa pamilya, sa diyos at sa bayan
Sa panahon ng teknolohiya, kaalaman
At mabilis na transportasyon, globalisasyon
Mundo'y lumiliit at tayo ang naiipit

Umiiba ang panahon at pangangailangan
Nang sosyudad at kapaligiran
Bilang  tao o bilang Pilipino
Ano ang sagot mo sa tanong na ito ?

Salamat at ako'y inyong inanyaya
Ako po ay sa hanay ng mga nangingibang  Bansa
Ito po ay sa aking pananaw lamang
Tulad ni Gat Jose Rizal isang Pilipinong Global.




Sa Lungkot at Saya 
By: Deo Antonio D. Llamas 


Sa lungkot at saya
Sama na luha at pawis
Lamig o init hahamakin
Para sa minamahal na mimis

Ito ang kapalit makamit
Buhay na hinahangad
Bukas na may tingkad
Masayang hinaharap

Ang ngayon ko ay iaalay
Mabigyang masaganang buhay
Lahat ng ito ay may saysay
Makita ang pamilya matiwasay

Panandaliang sakripisyo
Sa ibang bayang magtrabaho
Sadyang ito'y hindi biro
Mawalay sa mga inspirasyon ko


May Paroroonan  
By: Deo Antonio D. Llamas 

Ako'y tutula mahabang mahaba
Ako'y uupo tapos na po...
Ang balagtasan galing kay balagtas
Lahat panalo walang talo dito

Sa mga bagong balagtas ngayon
Walang atrasan harap harapang
Nakipagtagisan lumalaban dala
Ang puso, isip damdamin at kaalaman

Patunay na ang tagumpay ay nasa
Pagkakaisa kahit iba iba ang pananaw
Respeto lang at pakinggan ang panig ng iba
May paroroonan sa tamang diplomasiya

Para sa bayan natin lahat ay gagawin
Mapa abroad man o manatili sa atin
Taas nuo tayo itaguyod ang bagong ako
Bagong Pilipinas, bagong Pilipino




Trabaho sa Ibang Bayan
By Deo Antonio D. Llamas 

Ang mag trabaho sa ibang bayan datapwat
Mahirap malungkot at hindi lahat sarap
Ay isang oppurtunidad na di dapat ibaliwala
Ito'y laking tulong sa ekonomiya ng lahat

Sa praktikal na panahon nakakabuti
Ito sa pamilya at bayan ng Pilipino
Tulad ng dolyar katumbas ay 40 na piso
Isang taon sa america 40 anyos na trabaho dito

Malungkot isipin pero ito'y totoo
Kung tunay nagsisilbi ang pamahalaan sa tao 
Matagal at malayo na sana ang naabot
At hindi mag ibang bayan para mag trabaho

Sa tawag ng panahon tayo'y sasagot
Tulungan ang bayan sa padalang maabot
Remitans,teknolohiya at bagong pamamalakad
Maging halimbawa kung ano ang tapat,sapat at dapat


Bagong Bayani
By: Deo Antonio D. Llamas

Tulad ng mga kastila ,
Intsik , kano at mga hapon
Ngayon mga koreyano, bombay at afrikano

Piniling maging dayuhan sa ating bayan
Sinagad ang kapalaran dala kaalaman
At yamang galing sa ating nayon

Ngayon tayo naman
Nangingibang bayan
Dala balik dolyar, euro,yen at iba pa

Sama na ang mga anak 
Eurasian, Fil-am, Fil- kor, Hapnoy
Tulad ni Tia, Apple d Aps, Jessica Sanchez ng American Idol

Simpleng matematiks lang mga kaibigan
Sa diyes milyunes na nag sasapalaran 
Gawing mag inbest isang milyon, isa't isa 

Padala para sa ating inang bayan
Sampong trilyones pesos na 
Ang madagdag sa ating kaban

At may magagandang balita 
Marami ng bilyonaryong pinoy sa abrod
Dahil sa  tiyaga, tapang,  talino at hagod

Dapat sila'y gawing halimbawa
Tularan,  gawing inspirasyon
Mga bagong bayani ng panahon

Sa inyo ako'y saludong saludo
Ito ay totoo sa kalaliman ng aking puso
Pasasalamat at hangad ang tagumpay nyo

Raga Raga
By: Deo Antonio D. Llamas

Isang gabi ako'y namangha
Sa pangyayaring di tulad ng iba
Di ako nakatulog sa pag oobserba
Libo libong raga raga ang aking nakita

Sabi nila pag ito'y nagpapakita
Ito'y hudyat na tayo ay maghanda
Bagyo, ulan ay sasalanta
Ito ang pamanhiin ng mga matatanda

Sa ilaw ng bombilya sila'y napapaamo
Tulod ng mga gamo gamo dito ay nasusuyo
Aking nilagyan ng plangganang may tubig
Sa repleksyon sila'y nalilinlang at nabibihag lagi

Sa tindi nang init kolonya nila'y lilisanin
Magpapalamig o maghahanap ng pagkain
May katangian silang mahalimbawa sa atin
May dahilan sa paglilisan natin

Mayroong iba nasusunog sa init nang ilaw
May roong iba nalulunod sa tubig na papahamak
May roong iba sinasakripisyo ang pakpak
Sinasalba ang iba para makalutang sa bitag na tubig

Sa mga raga raga na wala nang pakpak
Sila'y naiiwan na ng mga kasamang nakakalipad pa
At dito sila magtataguyod ng bagong kolonya
Waring immigrante bagong pagsisimula

Sa mga nakakauwi pa pakpak di pa sira
Dala ay sigla sa mga naiiwan sa kolonya 
Kwento at pagkain pagmamahal ay kasama
Aral ng buhay, teknolohiya, pananaw at systema

Sadyang may mga tao mataas ang mga pangarap
Nasisilaw sa mundo ng karangyaan, nalulunod
Sa mga pangyayaring di inaasahan
Nasusunog sa kabiguan at sakripisyong pasan 

Di maitanggi na di natin hawak ang kapalaran
May mga tao pang sariling bayan lang
May mga sadyang pang sanlibutan
May napapala alam ang gusto at napapagbigyan

Diyos ang may alam sa ating mga kapalaran
Tulad ng raga raga lahat ay may paroroonan
Kontribusyon sa pamilya, bayan pinapahalagaan
Dalangin lagi ituro sa atin ang tamang daan


Bilog ang Mundo
By: Deo Antonio D. Llamas

Bilog and mundo at pa ikot ikot pa
Minsay masaya minsay nakakapagtaka

Sa araw magisnan ganda ng kapaligiran
Sa gabi magunita lawak ng kalangitan

Maraming katanongan sa landas ng buhay 
Bakit may mayaman may nauulila

Bakit ang kapalaran di pantay pantay
May nagwawagi may nasasawi lagi

Minsa'y na sa taas ka bigla kang bababa
Walang kasiguraduhang gulong ng buhay

Tiyaga lang at sipag pag-asa wag e wala
Panalig lang lagi sa diyos na tagalikha

Hawak nya ang pagikot ng buong mundo
Kaya niyang baguhin mundo mong hawak nito

Ating alalahanin sya ang naglikha
Sya ang buhay at gabay ng mundo 

Tunay na daan kanyang pinakita 
Tanging kay Kristo  tunay na katotohanan

Bilog ang mundo at ito ang totoo
Diyos may alam kung saan tayo patutungo

Buhay, Tubig, Kalikasan 
By: Deo Antonio D. Llamas

Ganda ng kalikasan ating pag ingatan
Alagaan bigay ng Diyos sa kalangitan 

Masaganang tanawin sariwang hangin
Alay ay buhay sa dulot nya'ng pagkain

Sa kanya galing tubig na dinadalangin
Ng mga magsasaka mangingisda'y dingin

Tubig ng buhay sadyang nakakabuhay
Sa lupa’t dagat kapatagan kabundukan

KABATAAN PAGASA NG BAYAN

KABATAAN PAGASA NG BAYAN
BY: DEO ANTONIO D. LLAMAS

KABATAAN PAG-ASA NG BAYAN
SILA'Y BIGYAN TAMANG DAAN
TUNGO SA TAMANG PAROROONAN

ITURO PAGMAMAHAL SA DIYOS, 
PAMILYA, KAPWA AT BAYAN
ARAL NG BUHAY WASTONG PAMUMUHAY

BILANG MAGULANG,PAMILYA
GURO PAMAHALAAN O SIMBAHAN
MAGING HALIMBAWA SA SALITA ISIP AT GAWA

MAGANDANG BUKAS KUNG NGAYON NILA'Y
SAPAT, MAY SAYSAY AT KULAY
LAGING ISAUNA NA SILA'Y E UNA

TAYO NGAYON MGA KABATAAN NOON
TAYO NAMAN ANG MAGHAHANDA
SA MGA KABATAAN NGAYON

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

PHOTO GALLERY: SOMETHING INTERESTING AND FUN ABOUT THE LLAMAS FAMILY OF THE PHILIPPINES

HISTORY OF DAGUPAN

wikipedea on Ronald Llamas