PARA SA KAMAO NG BAYAN

PARA SA KAMAO NG BAYAN
By: Deo Antonio D. Llamas

Para sa Kamao Ng Bayan Itong Tula
Ginulat Ang Buong Mundo sa Tapang at
Talino . Binigyang Saysay Pinaglalaban
Dangal , Karangalan ng Bawat Pilipino

Sa Bawat Laban Mo Kasama Mo Kami
Sa Bilis ng Suntok mo kami'y Natatamimi
Sa Lakas Ng Suntok Kami'y Namamangha
Napapa Sigaw, Napapa Hiyaw sa Hanga

Tunay Kang Bayani Sa Ating Panahon
Lakas Ng Loob,Tibay ng Dibdib ang Rason
Sa Yong Tagumpay Na Iyong Nakakamit
Di mo Nalilimot ang Dukhang Maliliit

Sa Tao ang Gawa sa Diyos ang Pagpapala
Laban mo'y Laging Inaaalay Sa MayKapal
Sya'y Iyong Lakas at tunay na Minamahal
Laging Inspirado , Nanalo , Tinatanghal

Manny Pacquiao Tunay Kang Pinagpala
Buong Bayan at Mundo'y napapasaya
Sa Bawat Laban Ikaw Ang Laging Bida
Tunay Ngang Ikaw ay Sadyang Pambihira

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

PHOTO GALLERY: SOMETHING INTERESTING AND FUN ABOUT THE LLAMAS FAMILY OF THE PHILIPPINES

HISTORY OF DAGUPAN

wikipedea on Ronald Llamas