JUAN SIPAG

JUAN SIPAG
By: Deo Antonio D. Llamas


Bata Pa Tayo May Isang Batang Pilyo
Na Bahagi Na Ng Ating Mga Kwento
May katotoran o kathang isip Lamang
Nag Sasalarawan ng Ating Kaugalian

Batang Malikhain Iba Kong Mag isip
Mahilig Matulog Gising Managinip
Ang sabi nga Thinking Out Of The Box Lagi
Si Juan Kahit Tamad Mapag Isip Rin

Dahil Marahil sa Takbo Ng Panahon
Simpleng Pangangailangan Ng Buhay Noon
Ngayong Teknolohiya At Impormasyon
Nagbago Kay Juan At Kanyang Direksyon

Ang Bagong Juan Ang Ating Bigyang Pansin
Siya'y Masipag,Maagap at Matulungin
Tapang Talino Maipagyabang sa Mundo
Laging Nangunguna Mabuhay saang dako

Ang Salitang Mapagisip ay Masipag din
Katangiang Bihasang Taglay Natin
Bigay ng Diyos Na Ating Pangalagaan
Sa Isip, sa Salita At sa ating Gawa

Si Juan Tamad ay Juan Sipag na Ngayon
Nagbago Nagsikap Dala sa Panahon
Sipag ay Isip at Hagod May Magagawa
May Mararating Ang May Galing na Kaugalian

Juan Sipag Siya'y Ako At Ikaw Rin

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

PHOTO GALLERY: SOMETHING INTERESTING AND FUN ABOUT THE LLAMAS FAMILY OF THE PHILIPPINES

HISTORY OF DAGUPAN

wikipedea on Ronald Llamas