AKO'Y NATUTUWA
AKO'Y NATUTUWA
By: Deo Antonio D. Llamas
Ako'y natutuwa, tuwang tuwa
Na Ako'y iyong sinama, nilista
Sa mga FB mong kaibigang,
Manunulat at mga makata
Sisikaping nalagi susulat
Na Magiging Karapatdapat
Namasama sa mga Hanay
Nang Dalubhasa't, Tanyag, at Tapat
Ito'y Pangarap Mithing Kinikiling
Ginigising Damdaming kinikimkim
Magiging Gabay sa mga Buhay
At mistulang dumadaan lamang
Ating ituro ang tamang daan
Sa mga sumusunod sa atin
Ituwid at bigyan ng liwanag
Dakilang Salita, Mahiwaga
May Buhay at Maykapangyarihan
Nakakabuhay, Nakakasira
Kaya Ingatan, Itong Ating Sining
Galing sa Diyos, Itong Galing Natin.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento