MGA TULA PARA SA MGA OFW( BALAGTASAN)

Sa Pagbukas Nitong Entamblado By Deo Antonio D. Llamas Sa pagbukas nitong entamblado Akoy nagagalak makilaho Malathala ang puso at diwa Ating pag aralan ang panig ng magsasambuwa Dapat ba o hindi dapat? Mag ibang bayan ba ay makabayan O pang sariling interest lang ang namamalayan Pilipinas bay sapat na o dapat tayo'y maging tapat Sa sarili, sa pamilya, sa bayan at sa diyos Sa panahon ng teknolohiya, kaalaman At mabilis na transportasyon,globalisasyon Mundo'y lumiliit at tayo ang naiipit Umiiba ang panahon at pangangailangan Nang sosyudad at kapaligiran Bilang tao o bilang Pilipino Ano ang sagot mo sa tanong na ito? Salamat at ako'y inyong inanyaya Ako po ay sa hanay ng dilaw na bandera Ito po ay sa aking pananaw lamang Tulad ni Gat Jose Rizal isang Pilipinong Global.
Bagong Bayani By: Deo Antonio D. Llamas Tulad ng mga kastila , Intsik , kano at mga hapon Ngayon mga koreyano,bombay at africano Piniling maging dayuhan sa ating bayan Sinagad ang kapalaran dala kaalaman At yamang galing sa ating nayon Ngayon tayo naman Nangingibang bayan Dala balik dolyar, euro,yen at iba pa Sama na ang mga anak Eurasian, Fil-am, Fil- kor, Hapnoy Tulad ni Tia, Apple d Aps and Sandara ng 21 Simpleng matematiks lang mga asul na kaibigan Sa dies milyunes na nag sasapalaran Gawing mag inbest isang milyon, isa't isa Balik at para sa ating inang bayan Sampong trilyones pesos na Ang madagdag sa ating kaban At may magagandang balita Marami ng Bilyonaryong Pinoy sa abrod Dahil sa sipag at tiyaga, tapang at talino Dapat sila'y gawing halimbawa Tularan gawing inspirasyon Mga Bagong Bayani ng Bayan Sa inyo ako'y saludong saludo Ito ay totoo sa kalaliman ng aking puso Pasasalamat at hangad ang tagumpay nyo.
Trabaho sa Ibang Bayan By Deo Antonio D. Llamas Ang mag trabaho sa ibang bayan datapwat Mahirap malungkot at hindi lahat sarap Ay isang oppurtonidad na di dapat ibaliwala Ito'y laking tulong sa ekonomiya ng lahat Sa practical na panahon nakakabuti Ito sa pamilya at bayan ng Pilipino Tulad ng dolyar katumbas ay 40 na piso Isang taon sa america 40 anyos na trabaho dito Malungkot isipin pero ito'y totoo Kung tunay nagsisilbi ang pamahalaan sa tao Matagal at malayo na sana ang naabot At hindi mag ibang bayan para mag trabaho Sa tawag ng panahon tayo'y sasagot Tulungan ang bayan sa padalang maabot Remitans,teknolohiya at bagong pamamalakad Maging halimbawa kung ano ang tapat,sapat at dapat.
May Paroroonan By:Deo Antonio D. Llamas Ako'y tutula mahabang mahaba Ako'y uupo...tapos na po Ang balagtasan galing kay Balagtas Lahat panalo...walang talo dito Sa mga bagong balagtas ngayon Walang atrasan harap harapang Nakipagtagisan lumalaban dala Ang puso, isip damdamin at kaalaman Patunay na ang tagumpay ay nasa Pagkakaisa kahit iba iba ang pananaw Respeto lang at pakingan ang panig ng iba May paroroonan sa tamang diplomasiya Para sa Bayan natin lahat ay gagawin Mapa abroad man o manatili sa atin Taas nuo tayo itaguyod ang Bagong Ako Bagong Pilipinas, Bagong Pilipino. Sa Lungkot at Saya By: Deo Antonio D. Llamas Sa lungkot at saya Sama na luha at pawis Lamig o init hahamakin Sa mga minamahal na mimis Ito ang kapalit makamit Buhay na hinahangad Bukas na may tingkad Masayang hinaharap Ang ngayon ko ay iaalay Mabigyang masaganang buhay Lahat ng ito ay may saysay Makita ang pamilya matiwasay Panandaliang sakripisyo Sa ibang bayang magtrabaho Sadyang ito'y hindi biro Mawalay sa mga inspirasyon ko
Raga Raga By: Deo Antonio D. Llamas Isang gabi ako'y namangha Sa pangyayaring di tulad ng iba Di ako nakatulog sa pag oobserba Libo libong raga raga ang aking nakita Sabi nila pag ito'y nagpapakita Ito'y hudyat na tayo ay maghanda Bagyo, ulan ay sasalanta Ito ang pamanhiin ng mga matatanda Sa ilaw ng bombilya sila'y napapaamo Tulod ng mga gamo gamo dito ay nasusuyo Aking nilagyan ng planganang may tubig Sa repleksyon sila'y nalilinlang at nabibihag lagi Sa tindi nang init kolonya nila'y lilisanin Magpapalamig o maghahanap ng pagkain May katangian silang mahalimbawa sa atin May dahilan sa paglilisan natin Mayroong iba nasusunog sa init nang ilaw May roong iba nalulunod sa tubig ng pangarap Mayroong iba sinasakripisyo ang pakpak Sinasalba ang iba para makalutang sa bitag na tubig Sa mga raga raga na wala nang pakpak Sila'y naiiwan na ng mga kasamang nakakalipad pa At dito sila magtataguyod ng bagong kolonya Waring immigrante bagong pagsisimula Sa mga nakakauwi pa pakpak di pa sira Dala ay sigla sa mga naiiwan sa kolonya Kwento at pagkain pagmamahal ay kasama Aral ng buhay, teknolohiya, pananaw at systema Sadyang may mga tao mataas ang mga pangarap Nasisilaw sa mundo ng karangyaan, nalulunod Sa mga pangyayaring di inaasahan Nasusunog sa kabiguan at sakripisyong pasan Di maitanggi na di natin hawak ang kapalaran May mga tao pang sariling bayan lang May mga sadyang pang sanlibutan May napapala alam ang gusto at napapagbigyan Diyos ang may alam sa ating mga kapalaran Tulad ng raga raga lahat ay may paroroonan Contribution sa pamilya, bayan pinapahalagaan Dalangin lagi ituro sa atin ang tamang daan


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

PHOTO GALLERY: SOMETHING INTERESTING AND FUN ABOUT THE LLAMAS FAMILY OF THE PHILIPPINES

HISTORY OF DAGUPAN

wikipedea on Ronald Llamas