SANA ITO ANG SONA KO


SANA ITO ANG SONA KO

By; Deo Antonio D. Llamas


Kung walang kurap...walang mahirap
Ating Bayan ay parang isang fruit stand
Lokal o Imported.prutas ay kaakit akit
Pagmaayos, malinis at hinog sa panahon

|
Alisin ang bulok, sira at di maayos
Ito'y nakaka sira sa amoy at paningin
Ito ay lalangamin at lalangawin
Tinda mo ay mapanis at di kanaisnais

Ang systemang bulok tunay naka ka sira
Kanser sa lipunan dapat ikahiya
Di tulad ng ating ginagawang pagtingala
Sa mga garapal at manlilinlang hangal

Pag saayos ng paninda ang maliliit 
Dapat nasa itaas ng malalaki 
Balanse walang napipiga at naiipit
Ganyan din sana sa bayan ni Juan 

Mag kaisa labanan ang kahirapan
Trabaho sa lahat o OFW man
Ma sustansyang pagkain,malinis na tubig
Pabahay, pa-ilaw,abot kayang gamot
De kalidad na pagamotan at edukasyon

Tunay nga sa paghilum ng sugat o sakit
Ang paglinis muna ang unang hakbang
Katawan alagaan at palakasin 
Tulad ito ng ating Bayang may sakit 
Para gumaling ay dapat laging malinis

Aangat ang bayang malaya at mahal
Totoong katarungan at bayanihan
Banderang iwagayway sa puso't isipan
Katiwalian huhusgahang patas na laban
Ito'y maging gabay,pabala kahit sino ka man

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

PHOTO GALLERY: SOMETHING INTERESTING AND FUN ABOUT THE LLAMAS FAMILY OF THE PHILIPPINES

HISTORY OF DAGUPAN

wikipedea on Ronald Llamas