MAGALANG, KAGALANGGALANG

MAGALANG, KAGALANGGALANG BY: Deo Antonio D. Llamas Ang matinong politiko Hindi madaya at manloloko May paninindigan at salita At may puso para sa tao
Di manlilinlang at totoo Di kurap at walang tinatago Handang magserbisyo Hindi na memerwesyo
May tapang at talino Marunong din mag karinyo May takot sa diyos At gawain ay maayos
Interest ng karamihan Mga bata at kababaihan Pinapalago trabaho negosyo Tiyak bayan ay aasenso
Kalusugan edukasyon Sama na value formation Pag aalaga sa mga lola at lolo Laging e una pamilya at pagbabago
Labanan korapsyon Katiwalian bigyan ng aksyon Ingatan ang kaban ng bayan Gugulin sa tamang pamamaraan
Sabi nga ang salitang "politician" Galing sa salitang polite at police Kaya tama lang natawaging Magalang kagalanggalang
Kung sakto ang pananaw Walang abuso makikita Maririnig lang pasasalamat At di reklamo ng karamihan
Katanggian ng matinong politiko Hanapin sa mga kandidato May karakter ang tawag dito
Magalang at kagalanggalang ito.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

HISTORY OF DAGUPAN

PHOTO GALLERY: SOMETHING INTERESTING AND FUN ABOUT THE LLAMAS FAMILY OF THE PHILIPPINES

wikipedea on Ronald Llamas