MAR ROXAS ANG PRESIDENTE KO MAGALANG, KAGALANGGALANG, MARANGAL


MAR ROXAS ANG PRESIDENTE KO

MAGALANG, KAGALANGGALANG, MARANGAL 
BY: Deo Antonio D. Llamas

Ang matinong politiko
Hindi madaya at manloloko 
May paninindigan at salita
At may puso para sa tao

Di manlilinlang at totoo
Di kurap at walang tinatago
Handang magserbisyo
Hindi na memerwesyo

May tapang at talino
Marunong din mag karinyo
May takot sa diyos
At gawain ay maayos

Interest ng karamihan
Mga bata at kababaihan
Pinapalago trabaho negosyo
Tiyak bayan ay aasenso

Kalusugan edukasyon
Sama na value formation
Pag aalaga sa mga lola at lolo
Laging e una pamilya at pagbabago

Labanan korapsyon
Katiwalian bigyan ng aksyon
Ingatan ang kaban ng bayan
Gugulin sa tamang pamamaraan

Sabi nga ang salitang "politician"
Galing sa salitang polite at police
Kaya tama lang natawaging
Magalang kagalanggalang marangal

Kung sakto ang pananaw
Walang abuso makikita
Maririnig lang pasasalamat
At di reklamo ng karamihan

Katanggian ng matinong politiko
Hanapin sa mga kandidato
May karakter ang tawag dito
Magalang kagalanggalang Marangal ito.

MAR ROXAS ANG PRESIDENTE KO.



Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

DR. JOSE RIZAL'S NORTH BORNEO ( SABAH) DREAM

HISTORY OF DAGUPAN

MGA TULA PARA SA INANG BAYAN AT KABABAYAN SINULAT NI : DEO ANTONIO DELFIN LLAMAS