Raga Raga


32. Raga Raga
By: Deo Antonio D.  Llamas

Isang gabi  ako'y  namangha
Sa  pangyayaring  di  tulad ng iba
Di ako  nakatulog  sa pag  oobserba
Libo libong raga raga ang aking nakita

Sabi nila pag            ito'y nagpapakita
Ito'y hudyat  na  tayo ay maghanda
Bagyo,   ulan      ay    sasalanta
Ito ang pamanhiin ng mga matatanda

Sa  ilaw  ng  bombilya   sila'y  napapaamo
Tulod  ng mga gamo gamo dito ay nasusuyo
Aking   nilagyan   ng   planganang  may  tubig
Sa repleksyon sila'y nalilinlang at nabibihag lagi

Sa  tindi   nang  init     kolonya   nila'y lilisanin
Magpapalamig  o  maghahanap    ng pagkain
May katangian silang mahalimbawa sa atin
May   dahilan    sa    paglilisan   natin

Mayroong  iba  nasusunog  sa  init nang  ilaw
May  roong  iba nalulunod sa tubig ng   pangarap
Mayroong    iba        sinasakripisyo      ang pakpak
Sinasalba ang iba para makalutang sa bitag na tubig

Sa  mga    raga raga      na      wala  nang    pakpak
Sila'y naiiwan na ng mga kasamang nakakalipad pa
At dito  sila  magtataguyod ng bagong kolonya
Waring  immigrante  bagong  pagsisimula

  Sa  mga  nakakauwi pa  pakpak di pa sira
Dala   ay  sigla  sa  mga  naiiwan   sa  kolonya
Kwento   at   pagkain   pagmamahal  ay  kasama
Aral  ng buhay,  teknolohiya, pananaw at  systema

Sadyang may mga  tao  mataas  ang mga pangarap
Nasisilaw   sa  mundo  ng    karangyaan, nalulunod
Sa      mga         pangyayaring      di      inaasahan
Nasusunog  sa  kabiguan  at  sakripisyong  pasan

Di maitanggi na di natin hawak ang kapalaran
May mga  tao  pang sariling  bayan lang
May mga sadyang pang sanlibutan
May napapala alam ang gusto at napapagbigyan

Diyos ang  may  alam   sa   ating mga kapalaran
Tulad  ng  raga  raga  lahat  ay may  paroroonan
Contribution  sa  pamilya, bayan pinapahalagaan
Dalangin  lagi  ituro  sa   atin  ang  tamang daan

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

PHOTO GALLERY: SOMETHING INTERESTING AND FUN ABOUT THE LLAMAS FAMILY OF THE PHILIPPINES

HISTORY OF DAGUPAN

wikipedea on Ronald Llamas