Trabaho sa Ibang Bayan
Trabaho sa Ibang Bayan
By Deo Antonio D. Llamas
On Monday, May 9, 2011 at 11:36am
Ang mag trabaho sa ibang bayan datapwat
Mahirap malungkot at hindi lahat sarap
Ay isang oppurtonidad na di dapat ibaliwala
Ito'y laking tulong sa ekonomiya ng lahat
Sa practical na panahon nakakabuti
Ito sa pamilya at bayan ng Pilipino
Tulad ng dolyar katumbas ay 40 na piso
Isang taon sa america 40 anyos na trabaho dito
Malungkot isipin pero ito'y totoo
Kung tunay nagsisilbi ang pamahalaan sa tao
Matagal at malayo na sana ang naabot
At hindi mag ibang bayan para mag trabaho
Sa tawag ng panahon tayo'y sasagot
Tulungan ang bayan sa padalang maabot
Remitans,teknolohiya at bagong pamamalakad
Maging halimbawa kung ano ang tapat,sapat at dapat
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento