Sa Pagbukas Nitong Entamblado
Sa Pagbukas Nitong Entamblado
By Deo Antonio D. Llamas
Sa pagbukas nitong entamblado
Akoy nagagalak makilaho
Malathala ang puso at diwa
Ating pag aralan ang panig ng magsasambuwa
Dapat ba o hindi dapat?
Mag ibang bayan ba ay makabayan
O pang sariling interest lang ang namamalayan
Pilipinas bay sapat na o dapat tayo'y maging tapat
Sa sarili, sa pamilya, sa bayan at sa diyos
Sa panahon ng teknolohiya, kaalaman
At mabilis na transportasyon,globalisasyon
Mundo'y lumiliit at tayo ang naiipit
Umiiba ang panahon at pangangailangan
Nang sosyudad at kapaligiran
Bilang tao o bilang Pilipino
Ano ang sagot mo sa tanong na ito?
Salamat at ako'y inyong inanyaya
Ako po ay sa hanay ng dilaw na bandera
Ito po ay sa aking pananaw lamang
Tulad ni Gat Jose Rizal isang Pilipinong Global
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento