TAYO NA TAYO MGA KAPWA PILIPINO


                                    


Tayo na Tayo Mga Kapwa Pilipino

By: Deo Antonio D. LLamas

Tayo na tayo mga kapwa Pilipino
Tulongtulong magkaisa na at ihaon
Mga kapatid nasalanta ng delubyo

Di pangkaraniwan karanasang ito
Mawala ang mga mahal sa buhay
Tahanan at mga mahalagang bagay

Mahirap isipin at pilit na intindihin
Anong dahilan bakit may masasaktan
Anong kadadatnan ng mga na iwanan

May dahilan ang Diyos na makapangyarihan
Sya ang may sagot sa mga tanong hinaharap
Mahal niya tayong tunay at ito ay di magbabago

Pagasa sa kinahaharap kahit may kahirapan
Laging manalangin at gabay nya'y dingin
Sa tao ang gawa nasa diyos ang awa

Tayo na tayo mga kapwa Pilipino
Buong mundo'y tumutulong sating pagahon
Aangat babangon lalakas ulit tayong susulong

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

HISTORY OF DAGUPAN

PHOTO GALLERY: SOMETHING INTERESTING AND FUN ABOUT THE LLAMAS FAMILY OF THE PHILIPPINES

wikipedea on Ronald Llamas