Bagong Bayani

 Bagong Bayani
By: Deo Antonio D. Llamas

Tulad ng mga kastila ,
Intsik , kano at mga hapon
Ngayon mga koreyano,bombay at africano

Piniling maging dayuhan sa ating bayan
Sinagad ang kapalaran dala kaalaman
At yamang galing sa ating nayon

Ngayon tayo naman
Nangingibang bayan
Dala balik dolyar, euro,yen at iba pa

Sama  na  ang  mga  anak
Eurasian, Fil-am, Fil- kor, Hapnoy
Tulad ni Tia, Apple d Aps and Sandara ng 21

Simpleng matematiks lang mga asul na kaibigan
Sa dies  milyunes     na     nag    sasapalaran
Gawing mag inbest isang milyon, isa't isa

Balik at para sa ating inang bayan
Sampong   trilyones   pesos  na
Ang madagdag sa ating kaban

At may magagandang balita
Marami ng Bilyonaryong Pinoy sa abrod
Dahil sa sipag at tiyaga, tapang at talino

Dapat sila'y gawing halimbawa

 Tularan    gawing   inspirasyon
 Mga Bagong  Bayani ng  Bayan

Sa inyo ako'y    saludong   saludo
Ito ay totoo sa kalaliman ng aking puso
Pasasalamat  at  hangad  ang tagumpay  nyo

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

DR. JOSE RIZAL'S NORTH BORNEO ( SABAH) DREAM

HISTORY OF DAGUPAN

MGA TULA PARA SA INANG BAYAN AT KABABAYAN SINULAT NI : DEO ANTONIO DELFIN LLAMAS