Gat Jose Rizal Ama Ng Ating Bayan



Gat Jose Rizal Ama Ng Ating Bayan
By: Deo Antonio D. Llamas

Namulat ako sa isang pambihirang tao
Bata pa ako sya'y naging idolo ko

Marahil kaya'y siya'y may angking talino
O puso na marangal at di manloloko

Sa kanyang iniwang bakas tayo'y lumakas
Bayang Pilipinas may malayang bukas

Minulat ang bayan sa maling systema
Pinukaw hinangad  kalayaan ng bansa

Sa pag panaw nya'y lumiyab mga damdamin
Inspirasyon sa rebulosyong bumago sa atin

Ang buhay nya ay isang obra maestra
Pagmamahal sa Diyos,bayan at pamilya

Si Gat Jose Rizal di lang bayani ng bayan
Sya ang pambihirang Ama ng Ating Bayan





PAINTING BY: JUN AQUINO


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

DR. JOSE RIZAL'S NORTH BORNEO ( SABAH) DREAM

HISTORY OF DAGUPAN

MGA TULA PARA SA INANG BAYAN AT KABABAYAN SINULAT NI : DEO ANTONIO DELFIN LLAMAS