May Paroroonan
May Paroroonan
By:Deo Antonio D. Llamas 
Ako'y tutula mahabang mahaba
Ako'y uupo................tapos na po
Ang balagtasan galing kay Balagtas
Lahat panalo.........walang talo dito
Sa mga bagong balagtas ngayon
Walang atrasan harap harapang
Nakipagtagisan lumalaban dala
Ang puso, isip damdamin at kaalaman
Patunay na ang tagumpay ay  nasa
Pagkakaisa  kahit  iba  iba ang  pananaw
Respeto lang at pakingan ang panig  ng iba
May  paroroonan   sa  tamang   diplomasiya
Para  sa  Bayan   natin   lahat   ay   gagawin
Mapa   abroad  man  o   manatili   sa  atin
Taas nuo tayo itaguyod ang Bagong Ako
Bagong Pilipinas, Bagong  Pilipino
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento